Sabado, Hunyo 30, 2012

Bola, bola, bola ... Paulit-ulit ?

Ano ba ang bola para sa iyo ? Isa ba itong bilog na bagay na maaari mong pagulungin hanggang kung saanman daan ang tahakin nito? Isang ba itong bagay na maaring pagpasa-pasahan, patalbugin, paikut-ikutin at dumihan ng kung sinuman? O di kaya'y  isang bagay na alam mong walang sulok para tumigil sa paggulong nito mula sa lupa. Ang paggulong ng bola ay walang katapusan. Tumigil man ito ay maaari pa ring pagulungin. Ito ay maaring isang salamin ng buhay ng isang estudyante. Dahil sa wala itong sulok, ang buhay ay patuloy rin sa pagulong. Para sa akin, paulit-ulit ang mga pinagdaraanan  ng mga estudyante mula umaga hanggang gabi, mula lunes hanggang Linggo. Naiiba lang ay ang mga ginagawa ng mga tao at bagay na nakapaligid sa kanila. Kagaya na lamang ng unang linggo ko sa Filipino03. Alam kong paulit- ulit lang ang ginawa pero binigbigyan ng kulay ng mga taong nakapaligid sa akin ang mga bagay na nakasanayang ko ng gawin. Sagot na nila ang araw ko kung paano nila iibahin ng kauti mula sa nakaraan o bibigyang ligaya at kulay ang mga ito.



Pangalawang subject ko ang Filipino 03, 9:00-10:30, Lunes at Biyesnes. Araw ng lunes, ito ang unang araw ko sa Fil03. Sa paglipat ng  mga  kamay ng orasan sa 9:00 ay tanda na ito ng aming Filipino 03. Wala akong sapat na kaalaman kung ano ba subject na iyon. Kung sino man ang ang aming magiging propesor para sa asignaturang ito. Mabait ba o masungit? Palabiro ba o seryoso? Pati na rin ang asignaturang ito mahirap ba o madali ?



       Ang dalawang pintong puti na may dalawa ring salamin na pinagdidikitan ng mga bond paper na naglalaman ng  anunsyo mula  sa OPSA o sa mga propesor na may nais sabihing hindi nasabi sa klase. Isang halimbawa na nito ay ang pagbabago ng room number o kung minsan kung liban ang propesor. Ito ang nagsilbing bahay nmin sa FIL03. Nasa taas rin nito ang room number at letter. Katabi rin nito ang basurahan namin na kung bakit hindi pa sa loob inilagay ng mga janitor kaya kinatatamaran naming puntahan kung kami'y may itatapon.




13J- Abbot Fulgencio Torres sa St. Bede Building. Iyan ang room daw namin sa FIL03. Sa ayawa’t sa gusto namin ay kailangan naming tanggapin ang room na ito. Bukod sa maliit at madilim ay sobrang init ang iyong madarama kapag kami’y magkakaklase ay nagsama-sama na. Marahil sa sobrang daming carbon dioxide ang aming inilalabas mula sa aming pagdadaldal ay hindi na kayang palamigin ng aircon  ang buong room.





              Habang ang lahat ng aking mga kaklase ay nasa labas, kami ay naghihintay kung darating ba ang aming propesor. Matagal- tagal din kaming naghintay kung kaya’t inakala namin na wala na naman kaming propesor. Kasabay ng aming pag-uusap sa isa’t isa biglang napansin namin na unti-unting bumubukas ang pinto. Ikinagulat ito ng lahat kaya bumalik sila mula sa kanilang kinauupuan. 


        Sa pagbukas ng pinto habang naririnig namin ang ingay na nagmumula sa bisagra . Ang aming mga mata ay parang mga isda sa tubig  na halos hindi kumukurap dahil       matagal kaming nakatitig sa pinto. Lumabas ang isang lalaking may dalang bag sa kanyang likod. Inilapat niya ang kanyang mga daliri sa switch ng ilaw upang buksan ito. Binuhay niya ang mga ilaw sa aming room. Lahat kami ay nakatitig sa kanya.

         

        Pinagpatuloy namin ang aming paguusap sa bawat isa. parang walaa kaming nakita. Laking gulat na lang namin ng biglang umupo ang lalaki sa may teacher's table. Siya pala ang propesor namin sa FIL03. Ang buong akala namin ay kaklase lang namin siya dahil mukha pa siyang bata. Wala kaming magawa kundi umayos sa aming kinauupuan at tumahimik. Mula sa aming pagkakaupo ay hindi namin lubos maisip na siya talaga ay isang propesor. Dahil kung iyong titingnan ay halos parang kaedad lang nmin siya.


         Ngayon, aking ilalahad ang aking mga nakasanayan ng gawin tuwing FIL03 namin. Bagamat alam kong araw-araw ay ganoon din ang mga mangyayari ay alam kong may maiiba pa rin kahit papaano. Ang isang linggo kong karanasan sa FIL03 ay parang naging bola. Paulit-ulit man ang nangyayari ay may iba ring nadadagdag sa pamamagitan ng mga taong nakapaligid sa akin na pilit na pinapaganda ang bawat araw.



          Laging inuumpisahan ng aming propesor ang aming talakayan sa pagbabasa ng mga tula ng mga sikat na manunulat sa panitikang pilipino. Nagtanong pa nga siya sa amin kung kilala ba namin ang mga ipinakikilala niyang manunulat. Bigla kaming tumahimik. Daig pa ng silid namin ang silid-aklatan sa aming paaralan dahil sa sobrang tahimik nito. Bigla na lamang natawa ang aming propesor at nagsabing "Mukhang mas kilala ninyo pa ata ang isang artistang lumubog mula sa pagkakasikat kaysa sa mga dakilang pilipinong manunulat". Hiyang-hiya kami noon at nanatiling tahimik. sa isang lingo ko sa FIL03 ay  isang libro lamang ang nagkaroon ako ng pagkakataon para kunan ng larawan. Ito ay ang libro ni Allan Popa na "KUNDI AKALA".



            Matapos kami basahan ng isang tula ay kanya itong sinusundan ng panalangin agad. Pagkatapos ng lahat ay kanya ng bubuksan ang hapag para sa talakayan. 




         

          Kanyang isasandal ang bag niya sa upuan at siya'y uupo. Magche-check ng Attendance tapos ay ilalabas niya ang kanyang "Apple Macbook" na talagang kinahumalingan namin. Agad gumuhit sa aming ispan at nasabing "Ang yaman ni sir". Ang napakamahal na laptop na ito ang nagsilbing instrumento namin sa pagkatuto. Naglalaman ito ng mga bagay na ginagamit ni sir upang mas maging madali at maganda ang talakayan sa klase. 

        Sa pamamamagitan nito mas madali ang talakayan. Naipapakita kasi nito ang gustong ipakita ni sir na nagmumula sa kanyang Apple na laptop. Kung wala siguro ang mga ito, sira ang aming talakayan. Sa isang linggo ko sa FIL03 ay marami akong natutunan na di matatawaran ng kung sinuman. 

        Isinaayos na rin ng aming propesor ang aming tamang upuan. Marami na rin kaming natalakay sa isang linggong dumaan. Kahit sa una ay nagdulot ng pagkalito ng bawat isa mula sa pagkakaiba ng FIL3 at FIL03. Pati na rin sa silabus ay nagkaroon din ng mga kaunting kumplikasyon dahil sa pagbabago ng asignatura.Marami mang interusyon sa klase ang nagaganap gaya ng Fire Drill na laging tumatapat sa oras namin ay nahahabol naman namin. Nagkaroon na rin kami ng mga aktibidad at mga quizzes. Iniintay na rin ang aming libro para mas lalong gumanda ang talaakayan.


            Sa tuwing sasapit ang 10:30 kasabay ng pagtunog ng bell ay tanda na ito ng pagtatapos ng isang araw sa FIL03. Muli sa pagsapit ng panibagong araw ay may panibagong araw na naman kahit ganoon na naman uli ang mangyayari ay nakasisiguro naman ako na sagot ng mga tao at bagay  na kapaligid sa akin ang pagkakaroon ng isang magandang araw. Kulang man ang isang oras at kalahati para sa pagtalakay ng lahat ay kailangan naming galingan para mapagkasya ang lahat ng lesssons at mga aktibidad sa kaunting panahon
          
          Ang isang lingggo ko sa FIL03 ay parang bolang patuloy sa pag-ikot saanmang direksyon. Pagulong-gulong man ito ay sa huli titigil rin ito. Sa pagtigil nito, iyon ay narating ko na ang dapat tapusin ko sa kursong I.T. Mula sa pagkakakatigil nito, ay maaari ko na muling pagulungin ang bola para sa paghahanap ng trabaho at pagtupad ng aking mga pangarap mula sa ginawa kong pundasyon nung ako'y nag-aaral pa. Ang buhay na bola ay patuloy sa paggulong kaya wala tayong dapat sayanging oras. Kung kinakalangan magbago ay baguhin na ang lahat ng kamalian sa buhay hindi mamaya, hindi bukas, kundi ngayon na!

 Aaay ..! Nakalimutan ko nga palang ipakilala sa inyo ang nag-iisang kong propesor sa FIL03. Siya ay si .. Sir Edgar C. Samar!




1 komento:

  1. Ikinagagalak ko ang lagom na ito, Hector, sa ilang karanasan mo sa klase (higit kaysa pagsasabi mong mukha pa akong bata––dahil bata pa naman akong talaga! Ha ha ha). Gayumpaman, may mga kailangan ka pang bantayan sa iyong baybay at gramatika; marami-rami ring typo error dito. Basahin, pag-aralan at pagmunian pa ang ating "Checklist" sa http://nobelangatisan.blogspot.com/2012/06/checklist-bago-ipasa-ang-blog-entry.html bago muling magpasa ng entry sa akin.

    TumugonBurahin